Inihayag ng ilang pamunuan ng mga ospital sa Metro Manila na nagsisimula nang mapuno ang bed occupancy sa kanilang mga COVID-19 wards.
Kasunod ito ng libo-libong naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Lung Center of the Philippines Executive Director Dr. Vincent Balanag Jr. Na sa kasalukuyan ay nasa 97% na ang bed occupancy rate ang kanilang ospital.
Dahil dito, magbubukas muli sila ng isa pang ward na may 35 beds para sa inaasahan pang pagdami ng pasyenteng tataaman ng COVID-19.
Habang 70% na ang bed occupancy sa Philippine General Hospital (PGH) at inaasahang tataas pa dahil sa mabilis na pagdami ng pasyenteng naa-admit.
Ayon kay PGH Spokesman Jonas Del Rosario, halos 10 pasyente kada araw ang nao-ospital at 121 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 patients sa PGH.
Samantala, 60% naman ang bed occupancy sa san lazaro hospital at puno na rin ang COVID-19 wards at ICU beds sa Quezon City General Hospital.