Bed occupancy rate para sa mga COVID patient sa district hospital at quarantine facilities sa Maynila, nananatili pa ring mababa

51

Inihayag ni Mayor Francisko “Isko” Moreno na nananatili pa rin na maayos ang kalagayan at sitwasyon ng mga bed capacity sa mga district hospital at quarantine facilities sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Mayor Isko, sa kasalukuyan ay nasa 32 percent lamang ang bed occupancy sa anim na district hospitals kung saan nasa 158 ang okupado mula sa 491 COVID beds na inilaan dito.


Nasa 65 percent ang occupancy rate sa Manila COVID-19 field hospital katumbas ito ng 225 na beds occupied mula sa 344.

Zero percent naman ang occupancy rate sa mga quarantine facility para sa mga suspected case kung saan nasa 40 beds ang inilaan dito.

Sa kabila ng mababang bilang ng mga occupancy rate sa mga district hospital at quarantine facility, muling iginiit ng alkalde na hindi pa rin dapat magpakampante ang publiko at kinakailangan pa ring mag-doble ingat dahil sa mga naitatalang Delta variant sa lungsod.

Muli ring iginiit ni Mayor Isko na mahalaga pa rin na mabakunahan ang lahat kung saan ipagpapatuloy pa rin nila ang pagbabakuna sa kabila ng masamang lagay ng panahon kahit pa may mga ilang namumulitika ang nagsasabing hindi sila pumapayag sa kaniyang ginagawang plano.



Facebook Comments