Tinatayang walo sa 144 na ospital sa Metro Manila ang isinailalim sa critical level dahil sa pagtaas ng bed occupancy rate ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).
Ito ay matapos maabot ng ilang ospital ang 85% o higit pa sa kanilang mga bed capacity.
Kabilang sa mga ospital na ito ay ang Bernardino General Hospital sa Quezon City na pumalo na sa 100% ang bed occupancy.
Samantala, ang mga ospital na kabilang din sa critical level ay ang:
-East Avenue Medical Center – 97.7%
-F.Y. Manalo Medical Foundation, Inc. – 97%
– Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center – 90.1%
– Ospital ng Muntinlupa – 93.5%
– Philippine Children’s Medical Center – 95%
– The Medical City – 85.1%
– Victoriano Luna Medical Center – 94.1%
Habang nasa kategoryang ‘high risk’ naman ang mga ospital ng:
– Capitol Medical Center Inc. – 80.8%
– Marikina Doctors Hospital and Medical Center – 75%
– National Children’s Hospital – 70%
– Taguig Pateros District Hospital – 83.5%
Tiniyak naman ng DOH na nasa kategoryang ‘safe’ ang kabuuang bed occupancy rate sa Metro Manila kung saan 35.9% o 2,527 ang occupied sa kabuuang 7,047 na bilang ng kama.