Nananatili sa 73% ang bed occupancy rate sa anim na disitrict hospital sa lungsod ng Maynila.
Sa inilabas na datos ng Manila Health Department, nasa 366 na ang okupadong kama mula sa 501 na inilaan para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ang Gat Andres Bonifacio Medical Center at Ospital ng Sampaloc ang nananatili hanggang sa ngayon na lagpas na sa kanilang kapasidad habang nasa critical level na rin ang Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Umakyat naman sa 93% ang occupancy rate sa Manila COVID Field Hospital kung saan 318 mula sa 344 na kama ang okupado na sa ngayon.
Nananatili rin sa 18% ang bed capacity sa 14 na quarantine facilities ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Nasa 164 ang okupadong kama mula sa 923 na COVID beds na inilaaan ng Manila Local Government Unit (LGU).