Nasa medium risk na umano ngayon ang mga ospital dito sa Region 1 ukol sa utilization rate ng mga ospital at pagamutan dahil naman sa pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ang medium risk ay katumbas ng 60-65% na utilization rate ng mga bed capacity para sa mga COVID-19 patients, ito ang inihayag ni Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng Department of Health (DOH) Region 1 at COVID-19 Focal Person.
Dagdag nito na nakikitaan ng high risk utilization ang ilang lugar dito sa Ilocos Region. Patuloy naman umanong nakikipag ugnayan ang ahensiya sa mga ospital pribado man o pampublikong ospital na taasan na ang kanilang COVID-19 bed capacity upang matiyak naman na may pwedeng lugar ang ma-admit na pasyente dahil sa COVID-19.
Ang pampublikong pagamutan na mula Aniya, sila ang madalas na tinatamaan ng nakakahawang sakit dahil sila ang pwedeng lumabas at na-i-expose sa mga positibong kaso.
Dahil dito pinayuhan ni Dr. Bobis ang mga working sector na hanggat maari huwag sabay sabay kumain at laging magsuot ng face mask sa trabaho. Dagdag ni Bobis, kung sasakay man ang mga ito sa pampublikong sasakyan mag disinfect ng kamay at sundin ang physical distancing.