BEDP 2030, ilulunsad ng DepEd ngayong araw

Ilulunsad ng Department of Education (DepEd) ngayong araw ang kanilang strategic roadmap para paunlarin ang paghahatid at kalidad ng pangunahing edukasyon.

Tinawag nila itong Basic Education Development Plan 2030 o BEDP 2030.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, layon ng plano na ipagpatuloy ang layunin ng kagawaran para sa lahat ng Pilipino na mapagtanto ang kanilang buong potensyal at magkaroon ng makabuluhang ambag sa “nation building” sa pamamagitan ng pagprotekta at pagsusulong ng karapatan sa edukasyon.


Paliwanag ng kalihim na nakadisenyo ang BEDP 2030 upang matugunan ang pangunahing epekto ng pandemya sa pagkatuto, partisipasyon, at paghahatid ng edukasyon, tugunan ang natitirang kakulangan sa access, paunlarin ang kalidad ng edukasyon at bumuo ng katatagan.

Dadaluhan naman ang paglulunsad mamaya ng mga opisyal ng DepEd, mga kinatawan ng Education Forum for Quality Education (Educ. Forum), at mga partner, kasama na ang Philippine Business for Education (PBEd), UNICEF, at SEAMEO INNOTECH.

Facebook Comments