Beermen at Hotshots, maghaharap sa do or die game sa PBA Finals

Maghaharap sa do or die game ang San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots para sa 2019 PBA Philippine Cup Finals.

Hangad ng Beermen ang kanilang pang-limang sunod na all-Filipino cup habang target naman ng Hotshots ang back-to-back title matapos manalo noong 2019 PBA Governor’s Cup.

Nakatakdang magharap ang Beermen at Hotshots sa game seven mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


Una nang pinuwersa ng Beermen ang Hotshots sa winner-take-all match matapos kunin ang panalo sa game six noong linggo.

Facebook Comments