Beermen at Hotshots, magsasalpukan sa PBA finals bukas

Tiwala ang koponan ng San Miguel Beermen na mapapasakamay pa rin nila ang kampeyonato sa PBA Philippine Cup Finals.

Ayon kay Beermen coach Leo Austria – malaki ang naitulong ng mga nakalipas nilang laban para mas mapagtibay pa ang kanilang depensa at strategy para manalo.

Puspusan din ang paghahanda ni Beermen guard Terrence Romeo lalo na ito ang kauna-unanang pagkakataong makakasali siya sa PBA Finals.


Magsasagupan ang unang laban ng Beermen at Magnolia Hotspots bukas sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments