Beermen at Magnolia, target ang panalo sa PBA finals

Mag-uunahan ngayon ang San Miguel Beermen at Magnolia Hotshot para makuha ang panalo sa game 5 sa kanilang best-of-seven PBA Philippine Cup Finals.

Ang mananalo sa game five ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum ang lalapit sa korona ng torneo.

Nabatid na hawak ngayon ng Beermen at Hotshot ang 2-2 bentahe.


Muling kakapit ang SMB kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Chris Ross, Arwind Santos, Alex Cabagnot at Christian Standhardinger.

Inaasahan naman ang matinding depensa ng Hotshot mula kina Rafi Reavis, Ian Sangalang, Kyle Pascual at Aldrech Ramos.

Facebook Comments