Beermen at Phoenix, muli na namang pinatawan ng multa ng PBA

Muling pinatawan ng multa ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (Pba) ang mga manlalaro ng San Miguel Beermen at Phoenix Pulse Fuel Masters.

Ito ay matapos na muling nagkagirian ang mga players ng magkabilang koponan sa game 4 ng Philippine Cup Semifinals.

Sa Beermen, pinagmulta si Alex Cabagnot ng ₱20,000 dahil sa flagrant foul penalty 2 dahil sa low blow hit incident kay RJ Jazul ng Phoenix sa game 4 ng Philippine Cup Semifinals.


Pinagmulta rin sina Keely Nabong ng ₱3,400 at kapwa tig-₱1,600 kina Matt Ganuelas-Rooser at Arwind Santos dahil sa magkakahiwalay na technical foul incidents.

Habang sa Phoenix players, aabot sa ₱6,600 ang multa ni Jaypee Mendoza, ₱2,600 para kay Alex Mallari dahil sa pambabastos sa referee.

₱5,000 kay Ron Denison dahil sa paglabag sa landing spot rule at ₱1,600 naman kay Jayson Perkins dahil sa technical foul.

Facebook Comments