Beermen Coach Leo Austria – kontento sa performance ng kanyang koponan

240

PBA – Kuntento si San Miguel Beermen Coach Leo Austria sa opensa at depensa ng kanyang koponan laban sa TNT noong game 3.

Ngunit hindi nag papabaya si Coach Austria dahil hindi biro ang kanilang kalaban kahit pa na na-sungkit nila ang pangalawang panalo.

Ayon kay Austria – mahirap makuha ang pangatlong panalo lalo na’t nakikita na niyang lumalabas na ang emosyon at sabik ng kalaban manalo.


Kasabay nito ay pinaalalahanan niya ang kanyang koponan na mag pokus at mag trabaho sa loob ng court.

Facebook Comments