Beermen, pasok na sa semifinals matapos talunin ang Phoenix

Manila, Philippines – Pasok na rin sa semifinals ang San Miguel Beermen matapos talunin ang Phoenix Fuel Master sa iskor na 115-96.

Nanguna sa Beermen si Marcio Lassister na may 26 points, apat na rebounds at tatlong assists.

Nagdagdag rin ng 20 points, walong rebounds at anim na assists si Alex Cabagnot habang mayroong 15 points at walong rebounds si June Mar Fajardo.


Nagkaroon naman ng double-double performance sina Charles Rhodes na may 14 points at 11 rebounds at Chris Ross na may 11 points at 10 assists.

Susunod na makakaharap ng Beermen ang sinumang manalo sa pagitan ng Star Hotshots at Rain or Shine.
DZXL558

Facebook Comments