Beermen, target manalo sa Asian basketball tournament

Plano ng San Miguel Beermen na mag-kampeon sa Terrific 12 East Asia Super League na gaganapin sa China sa September 17.

Makakasama ng Beermen ang TNT KaTropa at Blackwater Elite bilang delegado ng Pilipinas sa nasabing torneo.

Ayon kay coach Leo Austria, target nila na manalo at wala silang planong mapahiya sa kanilang mga kalaban.


Sasandalan ng koponan sina former Columbian import Lester Prosper at Dez Wells.

Samantala, makakalaban ng Pilipinas ang tatlong koponan sa Chinese Basketball Association, apat sa Japan’s B. League at dalawa naman sa Korean Basketball League.

Facebook Comments