Beirut, ginulantang ng malakas na pagsabog; halos 70 ang patay

COURTESY: AL ARABIYA

Binulabog ng dalawang malalakas na pagsabog ang Lebanese Capital na Beirut kung saan umaabot na sa halos 73 katao ang namatay habang 3,700 ang sugatan.

Ang malakas na pagsabog ay naglabas ng matinding shockwave na nagdulot ng matinding pinsala sa mga istraktura.

Makikita rin sa mga video ang matinding usok na idinulot ng pagsabog.


Ayon kay Lebanon Interior Minister Mohammed Fahmi, hindi pa malinaw ang eksaktong dahilan ng pagsabog, pero posibleng dulot ito ng ammonium nitrate na nakasilid sa isang warehouse sa port area.

Para kay General Security Chief Abbas Ibrahim, nasa 2,700 tons ng ammonium nitrate ang nasa Beirut Port na ipapadala sana sa Africa nang ito ay sumabog.

Idineklara na ni Lebanon Prime Minister Hasan Diab ang araw ng pagluluksa at tiniyak na mananagot ang nasa likod nito.

Nagpaabot na ng tulong at suporta ang ilang bansa tulad ng Turkey, Qatar, France, Israel, Iran, United Kingdom.

Facebook Comments