Bela Padilla, bad influence nga ba sa kaibigang si Maris Racal?

Lumalabas ang mga patutsadang bad influence raw ang aktres na si Bela Padilla kay Maris Racal dahil simula raw nang naging magkaibigan ang dalawa aynagmistulang liberated ang dating PBB housemate at ngayong young actress na si Maris.
Nagsimula ang isyu na ito nang nakitang magkasama ang dalawa sa isang event na nakasuot ng tinuturing ng iba na sexy o liberated outfit na malayo sa dating nakasanayan kay Maris.

Micro micro

A post shared by Maris Racal (@mariesteller) on


Ngunit ayaw patulan ni Bela ang isyu at nagpahayag na lamang ng “I already gave my side, so parang this is a wrong venue to talk about it,”
Sinabi rin ng aktres na mabuti siyang kaibigan kay Maris. Aniya, “I would like to think I’m a positive friend to whoever I am with.
“I didn’t seek her out, siya yung lagi namang nagyayaya, so I don’t know where it came from.
“Ang nabibigay ko lang naman lagi kay Maris is advice sa trabaho, sa buhay niya pag kailangan niya, pero hindi ako nanghihimasok.”


Facebook Comments