Bela Padilla, inireklamo ang Grab driver na nagbahagi ng kaniyang home address

1150
Facebook/ Bela Padilla

Ibinahagi ni Bela Padilla ang pagkadismaya sa Grab driver na nag-anunsiyo ng kaniyang tirahan sa company radio nitong Biyernes, Agosto 9.

“Rode Grab today and the driver announced on the Grab radio where I live. This can’t be possibly right,” ani Bella sa isang tweet.


Screenshot via Bela Padilla on Twitter

Sinagot naman ng Grab Philippines na humihingi sila ng paumanhin sa aktres.

Ani ng Grab, nilabag ng hindi pinangalanang driver ang “passenger’s safety and privacy” policy ng kumpanya. Ito ay kung saan hindi dapat ibahagi ng driver ang impormasyon ng customer kasama rito ang kanilang numero, tirahan at litrato.

Sa isang Instagram live, ipinahayag ni Bela na sumama ang loob niya sa pangyayari. Sinabi niya ring hindi niya kayang magalit dahil hindi siya ganoong klaseng tao.

“Parang na-sad lang ako,” ani aktres.

Nangako naman ang ride-hailing platform service na iimbestigahan nila ang insidente.

Facebook Comments

From Advertisers