Ipinagmamalaki ang gawang Belen ng Barangay Tebeng sa Dagupan City dahil yari ito sa recycled materials.
Ang kanilang belen, ay gawa sa mga limang CD. Inipon ang mga ito at ginupit gupit upang makabuo ng agaw pansin na Belenismo.
Higit sa dalawang libong pirasong used CD ang pinagtulungang gupitin ng barangay council upang maitayo ito.
Kakaiba umano ang naturang Paseo dahil ito ay maliwanag sa gabi at kumikinang naman sa araw.
Isa rin sa mga inaabangan ang Parol Making Contest ng barangay na gawa sa iba’t-ibang materyales tulad ng lumang bahagi ng motorsiklo, takip ng bote, at iba pang recyclable na materyales.
Ang anunsyo ng Best in Paseo De Belen ay gagawin sa Barangay Night sa darating na Disyembre 26. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments