Sinagot ng aktres na si Bela Padilla ang pag-uusisa ng isang netizen sa kung saan napunta ang 3.3 million pesos na cash donations na nakalap niya para sa mga apektado ng COVID-19.
Nitong March 19, ibinahagi ni Bela sa isang instagram post ang litrato niya sa loob ng bus kasama ang mga tauhan ng Philippine Army sa pagbibigay ng relief goods sa pami-pamilya ng informal workers.
Pero isang netizen ang inusisa ang post at tinanong kung anong nangyari sa sa 3 million pesos na donation.
Hindi naman napigilan ng aktres sinagot ang netizen at sinabing paki check ang reference.
Ayon kay Bella, tatlong batch ang ginawa niya sa relief operation kung saan nag-abono pa siya dahil hindi pa raw niya natatanggap ang isang milyong donasyon ng ating mga kababayan.
Bukod sa litratong i-pinost ni Bella, marami na rin pala itong mga picture ng pamimigay ng mga relief goods sa ibat ibang organizasyon na nauna na niyang naipost.
Bunsod nito, ilang fans ni bella ang bumatikos sa netizen at sinabing mabuti pa ang aktres at nakatulong na.