Bello, nanawagan sa mga OFW na umuwi na ng Pilipinas

Hinikayat ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang mga migranteng manggagawang Pilipino na umuwi na ng Pilipinas.

Ayon kay Bello, umaasa siya na magdedesisyon ang mga manggagawa na umuwi na at handa ang kagawaran na tumulong sa kanila.

Batay sa DOLE, ang mga migranteng manggagawa ay maaaring makakuha ng mga serbisyo sa reintegration, isang mekanismo sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas kapag natapos na ang kanilang trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng lokal na trabaho o re-employment at entrepreneurship.


Kasama rin sa tulong na ibibigay ng DOLE ang capacity building, financial literacy, livelihood skills training at financial grants.

Sa kabila nito, tiniyak ni Bello na patuloy na isusulong ng kagawaran ang mga oportunidad at poprotektahan ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho at naghahanap ng trabaho sa labas ng Pilipinas.

Facebook Comments