Bello, nilinaw na hindi niya pinaalis ang licensure exams

Nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi niya pinapatanggal ang licensure examination para sa mga nurse at iba pang propesyon.

Ayon kay Bello, nais lang niya na pag-aralan ng Professional Regulation Commission (PRC) at iba pang samahan kung puwedeng alisin ang naturang exam.

Aniya, sapat na ang maraming taong pag-aaral at training na pinagdaanan ng mga estudyante bago makapagtapos para maging handa sa pagsabak sa kanilang trabaho.


Maliban dito, gastos din aniya ang mga naturang licensure examination sa iba pang propesyon katulad ng law, engineering at dentistry.

Facebook Comments