Beluga Whale, nagsauli ng Iphone

312

Kahanga-hanga ang isang beluga whale sa Hammerfest, Norway matapos niyang ibalik ang nakuhang iphone sa mismong may-ari.

Sa Instagram video post ni Isa Opdahl noong Linggo, mapapanood na inabot ng beluga whale sa pamamagitan ng kanyang bibig ang cellphone nalaglag ni Isa sa dagat. Mababasa ang caption na: “when animals are kinder than humans”. 


Samantala, samu’t-saring haka haka ang naglalabasan sa nasabing big mammal. May posibilidad na ito raw ay inensayo ng Russian navy para maging spy. Noong nakaraang linggo, nakita ng fisherman ang sinasabing balyena na may camera at harness na suot.

“We know that in Russia they have had domestic whales in captivity and also that some of these have apparently been released. Then they often seek out boats.”, ani Professor Audun Rikardsen ng Arctic University of Norway.

Tuwang-tuwa naman ang netizens sa ginawang act of kindness ng balyena. Halos 100,000 na ang views ng video.

 

 

Facebook Comments