Bumisita ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan sa lalawigan ng Iloilo para sa benchmarking ng dalawang probinsya kasama na rin ang Iloilo City.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Vice Governor Mark Lambino, sinabi nitong nagkaroon ng courtesy call sa pagitan ng Iloilo Province sa pangunguna ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. at VG. Christine Garin at ng Iloilo City Mayor kung saan napag-usapan dito ang ilan sa mga best practices na ginawa ng mga ito sa pagpapaganda ng kanilang probinsya sa loob ng nakalipas na labing-limang taon.
Dito isinagawa ang ilang presentasyon ng ilang departamento sa probinsya kung ano nga ba ang mga naging proseso upang maabot ang kasalukuyang status ng probinsya at ng siyudad.
Bukod dito, tinignan din ng mga opisyales ng Pangasinan ang master planning ng probinsya kung saan ani ni Lambino, kung bakit umano napiling bisitahin ang probinsya ng Iloilo ay dahil mayroon umanong pagkakahalintulad ang dalawang probinsya o sinusundan umano ng Pangasinan ang probinsya ng Iloilo ang kanilang mga ginagawa tulad na lamang ng pag-upgrade sa kanilang airport, konstruksyon sa function projects, economic development projects, pagpapaganda o improvement ng industriya ng turismo, mga major infrastructure programs, edukasyon at paglinis sa kanilang mga kailugan at marami pang iba.
Ayon pa kay Lambino, mayroon umanong pagkakahalintulad sa geography, mga produkto kung saan maganda umanon tignan o halimbawa na isang modelo Ang lalawigan ng Iloilo.
Dagdag pa niya, hindi naman umano kokopyahin ng buo dahil mayroon naman daw sarili-sariling uniqueness ang isang probinsya at lokalidad kung saan aniya, pagbabasehan lamang umano ng mga nakalatag na mga programa para sa ikagaganda at ikabubuti ng probinsya ng Pangasinan.

Facebook Comments