BENEPISYARYO NG AICS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NASA 9K

Nasa siyam na libong benepisyaryo na ang kabuuang bilang ng mga napamahagian ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Dagupan.
May halagang dalawang libo ang natanggap ng mga benepisyaryo na nagmula sa 31 na barangay ng Dagupan gayundin ang food subsidy na tulong naman para sa pangangailangan ng pami-pamilya.
Matatandaang naisagawa ang pamamahagi ng tulong pinansyal noon lamang buwan ng Nobyembre kasabay ang Christmas Tree Lighting Ceremony ng lungsod.

Samantala, nagkaroon muli ng pamamahagi ng AICS nito lamang ika-27 ng Disyembre at magpapatuloy hanggang sa 29. |ifmnews
Facebook Comments