Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naging maayos ang pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program o P3.
Ang P3 ay isang fuel subsidy program para sa mga tsuper ng pampasaherong jeepney na layong makatulong lalo na mataas na presyo ng petrolyo dulot ng tax reform law.
Sa datos ng LTFRB, aabot sa 12,653 mula sa 35,644 na benepisyaryo sa Metro Manila ay nakuha na ang kanilang fuel card mula nang umpisahan ang distribution nito noong Hulyo.
Ang Metro Manila ang may pinakamaraming bilang ng recipients, kasunod ang Region 4 at 3 na may kabuoang 27,787 at 24,717 available cards na ipamamahagi pa.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III – ang mga hindi pa nakakakuha ng kanilang fuel cards ay maaring kunin sa papalapit na 2019.
Ang fuel cards ay nagkakahalaga ng tig-₱5,000, na iprinoseso ng Land Bank of the Philippines at pinondohan sa pamamagitan ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.