Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang seremonya sa pamamahagi ng certificate of land ownership sa mga benepisyaryo sa Boracay.
Matatandaang hindi na dinaluhan ng Pangulo ang reopening ng resort island nitong October 26.
Makakasama ng Pangulong Duterte si Department of Agrarian Reform John Castriciones, Presidential Adviser for the Visayas Michael Diño at local officials.
Ayon naman kay Tourism Congress of the Philippines (TCP) President Jose Clemente – may ilan pa ring stakeholders ang nalilito kung paano ipinatutupad ng Boracay Inter-agency Task Force (BIATF) ang rules and regulations sa isla.
Sa ngayon, nadagdagan pa ng 35 establisyimento ang pinayagang makapag-operate sa isla matapos makapasa sa requirements ng BIATF.