Umapela si Senator Raffy Tulfo sa Department of Health (DOH) na maibigay bago mag Pasko ang benepisyo, allowances at hazard pay ng mga healthcare workers sa bansa.
Sa pagdinig ng 2023 budget ng DOH, napagalaman na ₱64 billion ang kabuuang halaga ng mga benepisyo ng mga healthcare workers na hindi naibibigay ng pamahalaan mula pa noong July 2021.
Ayon kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, hindi sila tumitigil sa pakikipagugnayan sa Department of Budget and Management (DBM) para maibigay ang benepisyo ng mga healthcare workers.
Hiniling naman ni Tulfo sa DOH na sikaping maibigay sa mga health workers ang mga benepisyo bago sana mag Pasko.
Sinabi naman ni Vergeire na sumulat na sila sa DBM noong Septmeber 6 at September 9 para mailabas ang ₱12 billion na allowances ng mga healthcare workers.
Gayunman, aminado si Vergeire na kulang pa rin ito at kailangan talagang mapondohan sa lalong madaling panahon ang mga benepisyo.