Binigyang katiyakan ng mga Persons with Disability Affairs Officers sa La Union na maayos na nakukuha at natatanggap ng mga kabilang sa sektor ang mga pribilehiyo at benepisyo alinsunod sa tungkuling nakasaad sa RA 10070.
Tinalakay sa pagtitipon ng mga opisyal ang hamong kinakaharap ng mga PWD sa kanilang komunidad maging ang palitan ng kasanayan at bagong kaalaman upang makamit ng disability-inclusive governance sa mga bayan.
Sa pamamagitan ng aktibidad, napag-usapan din ang angkop na pagbibigay ng statutory privilege na 20% discount sa mga nararapat na benepisyaryo upang hindi naabuso ang naturang pribilehiyo.
Inaasahan na magkakaroon ng masusing implementasyon ng mga programa, pagpaplano at pagtatatag ng polisiya na maapakinabangan ng mga PWD para sa kanilang Karapatan at kapakanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









