Benepisyo ng mga miyembro ng Pag-IBIG, asahang dodoble pagdating ng Pebrero

Asahan na ang pagdoble ng mga benepisyong matatanggap ng Pag-IBIG members kapag ipinatupad na 100% contribution increase sa Pebrero.

Sinabi ni Pag-IBIG Deputy Chief Executive Officer Alexander Aguilar, tataas na sa ₱174,000 ang minimum na ipon ng mga miyembro sa loob ng 20 taon, mula sa kasalukuyang ₱87,000.

Tataas na rin sa ₱44,000 maaaring mahiram, mula sa kasalukuyang ₱22,000.


Sa oras na maitaas na ang kontribusyon ng mga miyembro nito, aakyat rin sa P38 billion ang karagdagang pondo ng tanggapan.

Sinabi ni Aguilar na makakatulong ito upang manatiling mababa ang interest ng housing loans para sa mga miyembro nito.

Facebook Comments