Manila, Philippines – Binigyang diin ng palasyo ng Malacañang na naibigay na ng pamahalaan ang lahat ng benepisyo na dapat matanggap ng mga pamilya ng mga nasabing sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ang tinitiyak ngayon ng Pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa publiko dahil sa dami ng mga nasawi sa kaguluhan kung saan batay sa tala kahapon ng AFP ay umabot na sa halos 70 ang nasawi mula sa gobyerno dahil sa bakbakan.
Sa inilunsad naman aniyang kampanya ng pamahalan na Support our troops ay para mahikayat ang mamayan na magkaisa at tumayo sa likod ng puwersa ng gobyerno sa Marawi City upang mapataas ang moral ng mga ito at ipakita na hindi lang gobyerno ang kumikilala sa kanilang sakripisyo kundi pati ang sambayanang Pilipino.
Benepisyo ng mga nasawi sa Marawi City mabilis na ibinibigay ng pamahalaan, support our troops campaign naglalayong pataasin ang morale ng mga sundalo at pulis na nakikipagbakbakan ayon sa palasyo
Facebook Comments