Benepisyo ng mga Pinoy na namatay sa Libya, hinahabol ng Philippine Embassy

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Libya na umuusad na ang proseso ng financial claims para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa Libya.

Kaugnay nito, nakipagpulong na ang mga opisyal ng embahada sa mga opisyal ng bangko sa Benghazi.

Layon nito na ma-plantsa ang proseso ng pag-claim sa mga benepisyo ng mga OFWs na namatay sa Libya dahil sa iba’t ibang karamdaman.


Hinahabol din ng Philippine Embassy ang financial claims ng Filipino workers na unang na-repatriate.

Facebook Comments