Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Philippine Identification System o National ID.
Ito ay kasunod ng paglulunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang mass registration ng PhilSys.
Sa kanyang video message, hinihikayat ni Pangulong Duterte ang mga Pilipino na maging bahagi ng inisyatibong ito.
Ang pagkakaroon ng National ID ay malaki ang magbibigay na ginhawa lalo na sa pakikipagtransaksyon.
Pagtitiyak din ng Pangulo na itataguyod ang privacy ng lahat ng personal information.
Paalala rin ni Pangulong Duterte sa lahat na sundin ang minimum health protocols bago magparehistro.
Bago ito, nagparehistro na si Pangulong Duterte sa PhilSys noong January 22 at nakuha na niya ang kanyang ID noong March 4.
Matatandaang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11055 o Philippine Indetification Act noong August 2018 na layong pag-isahin ang lahat ng government-issued IDs.