Pinalawig pa ng pamahalaan ang pagtulong sa mga homeless o sa nakatira sa kalsada sa ilalim ng Pag-abot Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa inilabas na Executive Order No. 52 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakasaad na layunin ng programa na mailayo ang street dwellers at iba pang mahihirap mula sa kalsada at matulungang maging produktibong miyembro ng lipunan.
Ayon kay Pangulong Marcos, bukod sa financial assistance ay mayroon ding relocation, transitory shelter assistance, livelihood at maging ng employment assistance at psychosocial support para sa mga benepisyaryo
Bubuo rin ang pamahalaan ng Inter-Agency Committee na titiyak sa implementasyon ng programa na pangungunahan ng DSWD at DILG.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos, na malaki ang gampanin ng naturang programa para sa pagsugpo ng kahirapan sa bansa.