Benepisyo para sa mga “single,” isinulong sa Kamara

Inihain ni PBA Party-list Representative Margarita Nograles ang House Bill 1364 o “Single Person’s Welfare Act” na nagkakaloob ng benepisyo sa mga “single” at kanilang mga dependent.

Layunin ng panukala ni Nograles na masuklian ang sakripisyo ng maraming “single” bansa na nagsisilbi gaya ng isang solo parent, at pumapasan sa mga suliranin ng pamilya.

Base sa panukala, ang mga single person ay mga hindi “legally married” o hindi pa kasal; o kaya’y kasal pero annulled na o legally separated; at mayroong sinusuportahan.


Kapag naman dependent, sila ay maaaring kapatid, pamangkin, wala nang trabaho ang magulang, at iba pang kaanak na nasa 4th degree of consanguinity na mayroong kapansanan.

Kabilang sa mga benepisyo na nakapaloob sa panukala ni Nograles para sa mga single at kanilang dependents ay educational benefits tulad ng scholarship mula sa Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED).

Sa ilalim ng panukala ay bibigyan din ng pensyon o cash subsidy na ₱1,500 kada buwan ang mga single na kumikita ng mas mababa sa minimum wage; at flexible work from home schedule.

Facebook Comments