Nilinaw ng Employees’ Compensation Commission (ECC) na ang benepisyong matatanggap ng kanilang miyembro habang naka work-from-home (WFH) ay hiwalay pa sa benepisyong ibinibigay ng Social Security Sytem (SSS).
Ayon kay ECC Deputy Executive Director Atty. Jonathan Villasoto, bagama’t magkapareho ng pangalan, sickness, disability o death, magkaiba ang purpose ng benepisyo para dito.
Ainya, sakop din ng naturang resolusyon ang lahat ng compulsory members ng SSS na may employer-employee relationship gayundin ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno na may GSIS contributions.
Batay sa inaprubahang Board Resolution No. 21-03-09 ng ECC noong Marso 11, sakop ang anumang aksidente na magreresulta ng disability o death ng empleyado habang naka-WFH.
Kailangan naman may maipakitang “written directive” o order ang empleyado mula sa employer hinggil sa WFH arrangement nila.
Ang maaaring makuhang benepisyo ay ang loss of income benefits, medical benefits, at death and funeral benefits.