Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on National Defense Vice Chairman Ruffy Biazon na magsagawa ng close monitoring ang gobyerno sa research team ng Chinese scientists na magsasagawa ng pag-aaral sa Benham rise.
Ayon kay Biazon, maaaring magpadala ng all-Filipino team na magsasagawa ng research at mga sundalo para matiyak na secure ang area sa anumang balak ng mga Chinese researchers.
Nais lamang niyang matiyak din na walang imprastrakturang maitatayo at spy o surveillance equipment na ilalagay sa naturang teritoryo.
Giit ni Biazon bago pa man may gawin ang mga Chinese researchers ay dapat maging seloso ang pamahalaan sa karapatan ng mga Pilipino at ng bansa sa Benham rise.
Duda si Biazon na higit pa ang misyon ng China sa Benham rise kung saan pwede silang maglagay ng sensor o listening posts sa ilalim ng tubig para mag-detect ng mga surface ships.