Benham Rise, susuyurin ng Department of National Defense

57

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng Department of National Defense ang pag-galugad sa Benham Rise.

 

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, isa ito sa mga nakalinyang aktibidad ng Philippine Navy sa Benham Rise.

 

Sinabi ni Lorenzana na  isu-survey ng Philippine Navy ang Benham Rise para alamin ang lalim, coral formation at iba pa kasama na kung hanggang saan ang limitasyon nito.

 

Muling tiniyak ni Lorenzana ang regular na pagpapatrolya ng Philippine Navy sa Benham Rise hindi lang dahil sa mga nakalipas na aktibidad ng China sa lugar kundi dahil bahagi ito ng continental shelf ng Pilipinas  na ibinigay ng United Nations.



Facebook Comments