BENITO SOLIVEN PS, MULING NANGUNA SA UNIT PERFORMANCE RATING

Cauayan City – Muling nagpakitang gilas ang Benito Soliven PS matapos muling manguna sa Unit Performance Rating para sa buwan ng Hunyo.

Nakakuha ng 95.76% Overall Rating noong nakaraang buwan ng Hunyo ang Benito Soliven PS dahilan upang makamit nito ang unang pwesto sa Class C Police Stations sa buong lalawigan ng Isabela.

Personal namang tinanggap ni Police Major Alford Accad, Chief of Police ng BENITO SOLIVEN PS ang kanilang certificate of recognition sa Isabela Provincial Police Office Multipurpose Hall.


Samantala, ang tagumpay na ito ay isa lamang patunay na ginagawa ng kapulisan ng Benito Soliven ang lahat ng kanilang makakaya upang masiguro ang kapayapaan sa kanilang lugar at ang kaligtasan ng mamamayan nito.

Facebook Comments