BENTAHAN NG BANGUS SA DAGUPAN CITY, MATUMAL

Idinadaan na lamang sa biro ng ilang manlalako ng bangus at seafood products sa Magsaysay Fish Market ang matumal umano na bentahan ng bangus sa kasalukuyan dahil sa malawakang pagbaha sa lungsod.

 

Sa ilang manlalako na nakapanayam ng IFM News Dagupan, malaki umano ang epekto ng nararanasang pagbaha dahilan kaya uunti ang pumupuntang mamimili sa mga pwesto. Dagdag pa ang limitadong suplay umano ng ibinabagsak na bangus sa lungsod kaya mataas din ang presyo nito.

 

Kahapon ,binaha rin ang Magsaysay Fish Market sa Dagupan City matapos umapaw ang Pantal River sa bahagi ng pamilihan dahil na rin sa high tide dahilan upang ihalintulad ito ng mga netizens sa ‘floating market’ o pagbebenta sa mga bangka sa Thailand.

 

Dagdag ng tindera, humuhupa rin umano tuwing hapon ang baha sa pamilihan ngunit matumal pa rin ang bentahan ng bangus at iba pang produkto.

 

Sa kasalukuyan, nagkakahalaga ng P200 ang kada kilo ng big size bangus, P160 ang medium size habang P130 naman ang pinakamaliit na size.

 

Kaugnay nito, desidido ang mga manlalako na ituloy ang pagbebenta para sa kanilang pamumuhay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments