
Matumal pa rin ang bentahan ng mga bilog na prutas sa labas ng Kamuning Public Market sa Quezon City, tatlong araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon sa mga nakausap nating tindera, wala pa namang pagtaas sa presyo ng mga prutas sa ngayon, ngunit iilan pa lamang ang bumibili nitong mga nakaraang araw.
Kadalasan ay patingi-tingi pa umano ang pagbili ng mga mamimili kumpara sa pagbili ng mga naka-bundle na prutas.
Samantala, naging mabenta nitong mga nakaraang araw ang ilang lokal na prutas gaya ng melon, pakwan, at suha dahil mas tumatagal ang mga ito at hindi agad nabubulok.
Inaasahan naman ng mga tindera na magiging mabenta bukas at sa bisperas ng Bagong Taon ang mga prutas tulad ng kiat-kiat.
Narito ang presyo ng ilan sa mga prutas na ibinebenta sa labas ng Kamuning Public Market ngayong araw:
• Sweet Fuji apple – ₱40 hanggang ₱50 kada piraso
• Red apple – ₱40 kada piraso
• Green apple – ₱50 kada piraso
• Sweet pear – ₱20 hanggang ₱40 kada piraso
• Sweet ponkan – ₱25 hanggang ₱50 kada piraso
• Sugar kiat-kiat – ₱100 kada pack
• Seedless grapes – ₱300 kada kilo
• Black grapes – ₱350 kada kilo
• Sweet persimmon – ₱40 kada piraso
• Green kiwi – ₱40 kada piraso
• Gold kiwi – ₱50 hanggang ₱60 kada piraso
• Melon – ₱100 kada kilo
• Dalandan – ₱50 kada kilo
• Chico – ₱200 kada kilo
• Pinya – ₱70 kada piraso
• Mangga – ₱250 kada kilo
• Suha – ₱200 kada kilo
• Pakwan – ₱100 hanggang ₱150 kada piraso
• Avocado – ₱450 kada kilo
• Lanzones – ₱450 kada kilo
Umaasa ang mga tindera na daragsa ang mga mamimili bukas, December 30, hanggang sa bisperas ng Bagong Taon, December 31.









