Manila, Philippines – Matumal pa rin ang bentahan ng mga bilog na prutas sa mga pamilihan.
Ayon sa ilang fruit vendor, marahil ay tinatamad pang lumabas sa kanilang mga bahay ang mga mamimili dahil na rin sa masamang panahon
Bahagya namang tumaas ang presyo ng ilang mga piling prutas tulad ng mansanas, lemon, kiat-kiat at peras na mabibili sa halagang P50 kada tumpok.
Singkwenta pesos din ang tatlong piraso ng maliliit na ponkan habang P25 ang kada piraso ng orange.
Kwarenta pesos naman ang kilo ng dalandan, P65 ang kada kilo ng chico; P200 ang longgan at P180 hanggang P200 ang ubas.
Facebook Comments