Bentahan ng bulaklak sa Arkong Bato Public Cemetery, nananatiling matumal

Hindi pa bawi ng mga tindera ng bulaklak at kandila ang kanilang puhunan sa Arkong Bato Public Cemetery sa Valenzuela city.

Ayon sa mga nagtitinda, nananatili kasing matumal ang bentahan dahil hindi pa ganon karami ang tao na bumibisita sa puntod ng yumao nilang mahal sa buhay.

Magkagayunman, umaasa sila na bago matapos ang araw ay mabawi na nila ang kanilang puhunan.


Mabibili ang mga kandila dito mula P7, P8, P15, P20, P30, P80, P100 at ang pinakamahal ay P180.

Samantalang ang mga bulaklak ay mabibili mula P50 hanggang P200 depende sa flower arrangement.

Bago naman makapasok sa sementeryo ay tila tiangge ang daraanan dahil sa dami ng paninda at pagkain.

Hiwalay naman ang entrance at exit kung saan nananatiling payapa ang sitwasyon.

Facebook Comments