Bentahan ng bulaklak sa Manila Memorial Park, tataas pa hanggang sa November 2

Tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa Manila Memorial Park habang papalapit ang Pista ng mga Patay.

Nasa ₱80 ang maliit na flower arrangement, habang ₱700 ang malalaki.

Ayon sa mga tindera, tataas pa ang presyo ng tinda nilang bulaklak hanggang sa Miyerkules kung saan mula sa ₱80 ay magiging ₱100 ang maliit na flower arrangement habang iyong malaking flower arrangement na ₱700 ay posibleng maging ₱900.


Sinabi pa nila na nagbabawi lamang sila dahil sa 2 taong matumal ang bentahan ng bulaklak tuwing Undas dahil sa pandemya.

Samantala, unti-unti nang dumadagsa ang mga tao sa Manila Memorial Park sa Quezon City.

Nakapaskil sa entrada ng sementeryo ang mga bagay na hindi dapat ipasok tulad ng bladed weapons, inuming nakalalasing, speakers, baraha o ano mang uri ng sugal maging ang lighter.

Pakiusap din ng pamunuan ng Manila Memorial Park na linisin ang mga pinagkainan at itapon sa tamang lugar ang mga kalat.

Facebook Comments