Bentahan ng Bulaklak sa mga Flowershop, Patok sa mga Mamimili

41

Cauayan City, Isabela- Patok ngayon sa ilang mamimili ang mga bulaklak sa ilang flowershop sa lungsod ng Cauayan na bahagi ng pagdiriwang ng ‘Araw ng mga Puso’ o Valentines Day bukas, Pebrero 14.

Sa pakikipag-ugnayan ng iFM Cauayan sa ilang may-ari ng mga flower shop, kakaunti lang ang suplay ng bulaklak pero dumadagsa ang mga nais makabili nito sa kanilang mga pwesto.


Mabibili naman ang ilang rose bouquet sa pinakamurang halaga na P150-200 depende sa disenyo habang 2,000 naman ang pinakamahal o ang isang dosena.

Tampok rin ang iba pang uri ng bulaklak gaya ng Sunflower na mabibili sa P500 habang pinakamahal na ang isang piraso ng Ecuadorian Roses na halagang P700.

Samantala, mas pinipili pa rin ng karamihan ang makabili ng bulaklak sa kabila ng humaharap pa rin ang lahat sa banta ng pandemya.

Umaasa naman ang ilang tindera na mas lalo pang dadagsa ang mga bibili ng bulaklak ngayong isang araw nalang ay ‘Araw na ng mga Puso’.




Facebook Comments