BENTAHAN NG BULAKLAK SADAGUPAN CITY, LUMALAKAS NA; MGA FLOWER SHOP, KANIYA-KANIYANG PAKULO PARA SAVALENTINE’S DAY

Roses are red, violets are blue—lahat hahamakin, makuha lang ang matamis na “I love you.”

Unti-unti nang dinaragsa ng mga parokyano ang ilang flower shop sa Lungsod ng Dagupan limang araw bago ang pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Ayon sa ilang florist na nakapanayam ng IFM News Dagupan, marami na ang nagpareserba ng kani-kanilang mga bouquet bilang paghahanda sa Araw ng mga Puso.

Inaasahan din umano ang pagdami pa ng mamimili mula ngayon hanggang sa mismong Pebrero 14.

Dagdag pa rito, mararamdaman na rin ang unti-unting pagtaas ng presyo ng mga bulaklak, lalo na ang mga mabentang bouquet of roses na karaniwang hinahanap tuwing Valentine’s Day.

Bukod sa tradisyunal na bulaklak, kaniya-kaniya na ring alok ang ilang flower shop ng iba’t ibang pakulo para sa Valentine’s packages tulad ng tulad ng chocolate bouquet, money bouquet, phone-in-a-bouquet, at maging mga laruan na naka-bouquet na swak naman para sa kalalakihan.

Sa kasalukuyan, naglalaro ang presyo ng mga bulaklak sa ₱250 para sa sunflower bouquet at ₱100 kada piraso ng sunflower.

Samantala, ang rose bouquet ay nagsisimula sa ₱400 habang ₱100 naman kada piraso ng rosas.

Bukod sa fresh flowers, available din ang mga dried satin flowers na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱750, pati na rin ang crochet flowers at fuzzy wire-made flower bouquets na mas tumatagal at patok sa mga nais ng alternatibong regalo.

Para naman sa mga nais dumalaw at magdiwang ng Valentine’s Day sa puntod ng kanilang mga mahal na yumao, mabibili rin ang mga bulaklak na naka-paso sa halagang ₱150.

Inaasahang tataas ng nasa ₱100 ang presyo ng mga ito sa mismong araw ng mga puso.

Habang papalapit ang Araw ng mga Puso, patuloy na lumalakas ang bentahan ng bulaklak sa Dagupan City, patunay na sa iba’t ibang anyo, buhay ang diwa ng pagmamahal, maging para sa mga minamahal na kapiling pa o yaong patuloy na inaalala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments