Patuloy pang tinatangkilik ang mga fish, shellfish at seafood products sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, bahagyang nararanasan ang unti-unting pagdami ng mga consumer sa pamilihan.
Naghahanda na rin daw ang mga ito sa posibleng bulto ng mga mamimili simula sa ikatlong linggo ng Mahal na Araw, kung saan kadalasan mga fish products muna ang ihahain kaysa sa karne bilang bahagi ng nakagisnang paniniwala sa tuwing sumasapit ang Kwaresma.
Anila, bagamat inaasahan ang pagtaas sa demand ay dedepende pa rin ang presyuhan ng ilang mga produkto sa suplay nito.
Sa ngayon, wala pang masyadong paggalaw sa presyuhan bagamat posible umanong sa sunod na linggo, unti-unti na rin itong gagalaw.
Samantala, nananatiling matatag ang presyuhan ng bangus sa merkado na naglalaro ngayon sa P140 hanggang P180 depende sa laking bibilhin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨