Bentahan ng ilang gulay gaya ng repolyo at cauliflower, bumaba sa Marikina Public Market

 

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng ilang gulay sa ilang mga pamilihan partikular na ng repolyo at cauliflower sa Marikina Public Market.

Ayon kay Ruth Sta. Ana, nagtitinda ng mga gulay sa Marikina Public Market naglalaro sa ₱30 hanggang ₱60 kada kilo ang bentahan ng repolyo,habang ₱100 naman ang kada kilo ng cauliflower.

Paliwanag pa ni Sta. Ana, mas mura pa nga sana kung tutuusin ang tinda nilang mga gulay pero dahil sa Transportation Cost kung kaya’t mas mataas ang bentahan nila.


Nabatid na sa Benguet ay palugi nang binebenta ang repolyo sa apat na piso kada kilo dahil kung hindi aanihin, ay maaaring magkabitak-bitak o kaya tuluyang mabitak.

Bagsak-presyo na rib ang cauliflower sa halagang ₱14 kada kilo at ang hindi na maibenta ay ipinamimigay na lang sa kanilang barangay.

Samantala, maliban sa naturang gulay, bumaba rin ang presyo ng sayote at Pechay Baguio na ngayon ay ₱30 kada kilo mula sa dating ₱50 kada kilo.

Bumaba naman ang Lettuce sa ₱120 kada kilo mula sa dating ₱150 kada kilo at Brocolli na ngayon ay ₱150 kada kilo mula sa dating ₱300 kada kilo.

Hinikayat naman ng mga nagtitinda ang mga namimili na samantalahin ang mababang presyo ng gulay at kumain ng gulay.

Facebook Comments