Umaasa ang mga tindera ng image at souvenir items sa paligid ng Minor Basilica of Our Lady of Manaoag Church na lalakas ang kanilang bentahan habang papalapit ang Pasko.
Ayon sa mga tindera, bagamat unti-unting dumarami ang mga debotong bumibisita sa simbahan, karamihan sa mga ito ay mga residente lamang ng Manaoag, dahilan kaya’t hindi pa gaanong mataas ang kanilang benta sa ngayon.
Dagdag pa nila, inaasahan nilang mas marami ang bibisita mula sa mga karatig-probinsya sa mga susunod na araw, partikular tuwing umaga, matapos ang alas-nwebe ng misa.
Gayunpaman, may mga nagdadalawang-isip na bumili ng mga souvenir at imahe dahil sa iba pang gastusin gaya ng paghahanda para sa Christmas parties at iba pang selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments