Bentahan ng kandila at bulaklak, matumal sa mga flower stall sa Tandang Sora, QC

Umaangal na ang mga nagbebenta ng mga bulaklak sa Tandang Sora dahil sa matumal na bentahan ng kandila at bulaklak.

Nakahilera na sa gilid ng kalsada ang mga nagbebenta, kinakatok ang mga bintana ng mga nagdaraang sasakyan upang ialok ang kanilang mga panindang bulaklak.

Ang mga inaalok nila ay mga bumibisita sa kanilang yumaong nakalibing na yumao sa Himlayang Pilipino.


Ayon sa mag-inang Maryjoy at Maryjane Andres, dahil sa hirap ng buhay ay mga mura ang hinahanap na presyo ng mga pumapasok.

Ayon sa kanila, ₱600 ang presyo ng bili nila ng isang pulumpon ng bulaklak sa Dangwa.

Hinahati-hati nila ito sa limang paso.

Hindi na umano kakayaning ibenta pa ito sa ₱50 o ₱100.

Facebook Comments