Bentahan ng Karne ng Baboy sa Dagupan City naging matumal

Naging matumal ang bentahan ng karne ng Baboy sa Malimgas Public Market kasunod ng hindi pa maipaliwanag na dahilan ng pagkamatay ng baboy sa ilang lugar sa Luzon. Sa panayam ng IFM DAGUPAN kay Justin Ranges, tindero ng karne ng Baboy sa nasabing pamilihan, mula sa higit 100 kilo na nabebenta sa araw-araw, naging 60 kilo na lamang ang kanilang naibebebenta ng mga ito.

Katuwiran umano ng mga mamimili sa kanila umiiwas ang mga ito na bumili at kumain na dahil natatakot umano sa naipapakalat na African Swine Fever. Umalma umano ang mga tindera at tindero dahil ligtas naman ang kanilang karneng baboy na ibinebenta dahil mayroon silang veterinary health certificate na galing sa lisensyadong beterinaryo.

Dahil dito babawasan na lang muna nila ang katay ng karne ng baboy upang hindi sila malugi. Nanatili pa rin sa 200 ang presyo ng baboy sa pamilihan. Samantala, nagpatawag na ng emergency meeting ang gobernador ng Pangasinan upang maprotekatahan ang lalawigan sa anumang banta ng swine disease.


Facebook Comments