Patuloy na nararanasan sa mga pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan ang ilang linggo ng pagsipa sa presyo ng mga produktong karne.
Sa araw-araw na pag-iikot ng IFM News Team sa mga pamilihan, naglalaro sa P380 hanggang P400 ang kada kilo ng baboy mula sa dating presyuhan nito na P330 hanggang P340.
Ang manok, mula sa P180, ngayon nasa P200 hanggang P230 na ang presyo. Ayon sa ilang tindera ng karne na nakapanayam ng IFM News Dagupan Team, humina raw ang bentahan nito, dahil sa taas ng presyo ay umiiling ang mga konsyumer.
Anila, mainam kung bumalik sa dating presyuhan upang mapakinabangan ito ng parehong mga nagtitinda at mamimili. Samantala, ipatutupad naman ng Department of Agriculture (DA) ang Maximum Suggested Retail Price (MSRP) sa karne, kung saan P350 per kg sa pork kasim, habang P380 naman ang liempo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









